it's a bright, sunny day. no dark clouds overhead. no foreboding rainstorm. there are birds chirping and outside my window, i hear the laughter of small children. yes, it's a wonderfully cheerful sunshiny day. outside.
but today.. especially today, there's a place where the sun refuses to shine. where light cannot enter. where darkness reigns. where storms rage and thunders roar. where hopelessness and loneliness reside. where the gripping anguish is unshakeable. where reality brings suffering and sleep offers nightmares instead of escape. where each movement causes pain and immobility leads to despair. where old scars are reopened. where time refuses to heal all wounds.
-------------------------------------------------------------------------
akala ko noon gumagaling na ang sugat. akala ko unti-unti na akong lumalakas. pero hindi. masakit pa rin. mahapdi.
walang mapupuntahan. walang lugar na mapagtataguan. halos lahat ng mga panaginip ay nakakabagabag. at sa miminsang pagkakataong masaya ang panaginip, bigla na lamang magigising sa katotohanang hindi na nga pala iyon ang mundong ginagalawan. sa pagtulog, nais gumising. kapag gising naman, walang gustong gawin kundi bumalik sa mga panaginip. nguni't wala sa kanilang nakapagbibigay ng kaligayahan.. ng kapayapaan ng loob.
wala ring mapapagkunan ng kahit panandaliang ginhawa. maraming mga kaibigan, may mga nagmamahal. pero sagad na ang nagawang tulong. ubos na ang mga payo. sapat na ang ginugol na panahon sa pakikinig at pakikiramay. at sawa na rin ako sa kakahinga. dahil walang makakapanggamot. walang makakahilom. wala nang makakatulong kundi ang Diyos. at ako. pero hindi Siya namamadali; kahit inip na inip na ako.
basag ang puso. pero hindi lang dahil sa kanya. maraming mga pira-pirasong bubog na tinapak-tapakan pa ng iba. at hindi ako umangal. hindi ako nanisi. hindi nagalit. kahit na sagad na ang pasakit, pinipilit pa ring ngumiti. pinipilit na magsilbi. pinipilit maging maayos. walang ibang makitang paraan. kamatayan ang naghihintay sa paglisan; at walang-hanggang pasakit ang maidudulot ng pananatili. at wala nang tutulong. walang masasandalan. walang maaaring kumalinga. wala. wala maliban sa Panginoon, na sa ngayon ay nagbibingi-bingihan sa aking mga panalangin.
gustong sumigaw nguni't matagal nang lumisan ang boses. tulad ng mga luhang ayaw nang dumaloy. tulad ng mga sugat na sa sobrang sakit ay pinili nang maging manhid. wala nang mahanap na lunas.
Panginoon, ganito ba ang pakiramdam ng isang namamatay?
-------------------------------------------------------------------------
Wednesday, October 26, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment