SA WAKAS!!! hahaha. kakaiba talaga ang araw na 'to. bukod sa pamatay siya (soooobrang harassed ata ako ngayon eh. ewan ko ba) at nakakapagod, ang dami rin talagang kailangang tapusin bago pumasok ulit.
bukas, magbibigay ako ng exam sa umaga (math10) at isa pa sa hapon (geom naman). pinagawa ko na sa assistant kong si lester ang visuals para sa geom dahil malamang maghahabol na naman kami ng lesson bago sila mag-test. nagbigay na rin ang student teacher ko ng mga tanong para sa long exam at sa periodic exam. mabuti na lang at naedit ko na ang long test ng geometry.. at nagawa ko na rin ang exam ng math10. kaya sa mga estudyante kong umaasang mapostpone pa ang exam.. ASA PA KAYO!! hehehe :p
hayy. pero tambak pa rin ang trabaho. hindi ko pa natatapos gawin ang periodic exam (di pa naeedit yung dalawa). hindi pa nagagawa ang table of specifications. ni hindi pa nga encoded ang para sa grade10. at wala pa dun ang mga hindi pa tapos ma-check na mga papel. hayyyyyy talaga..
marami pang mga bagay na nasa utak ko ngayon. lahat nakakapagod isipin. hahaha. ayoko na. hindi na nakakatuwa ang ganito, sa totoo lang. hmm. tama nga ata si X. maghanap nga kaya ako ng mapapasukang call center? ahahahaha. sayang na lang ang pag-ingles ko.. mapakinabangan naman paminsan-minsan bukod dito sa blog na 'to.
postscript:
walang pagkakaugnay ang picture na nilagay ko sa post na ito. gusto ko lang ilagay ang litrato ko diyan kasi medyo matino ako nung kinuha 'yan. hindi katulad ng itsura ko ngayon haha.
Sunday, January 15, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment