kakaiba ang araw na 'to. sobra. ewan ko nga ba. pero parang sobrang daming nangyari kahit wala naman. haha. hindi ko talaga maintindihan. pati nga pagsulat ko ngayon, kakaiba. hahaha. ayos lang. paminsan-minsan naman e matuto naman akong gumamit ng sariling wika hehehe.
paggising ko pa lang kaninang umaga, iba na talaga ang pakiramdam ko. parang inaantok na hyper. haha. meron ba nun? meron siguro.. kasi un ang naramdaman ko kanina. siguro may 'hangover' pa ako sa pagkapagod at pagkainis ko kahapon (pambihirang mga miting kasi 'yan e.. letch!). pero pagbangon ko naman, medyo hyper ang feeling. tipong gusto kong maghanap ng makukulit at maaasar. hehehe.
pagdating sa klase (hindi ako na-late, kahit 7.40am na 'ko umalis ng bahay Ü), natuwa ako kasi medyo matino naman ang homeroom ko. at sa tingin ko naintindihan nila ang tinuro ko (aba, for the first time 'ata.. nakinig sila! wahahahaha :p) hindi ako namroblema. hmm. kala ko pa naman mahihirapan ako sa mga grade10 ko ngayon araw na 'to dahil picture taking day ngayon. haha. buti na lang mali ang akala ko hehe.
nag-picture taking kami ng homeroom ko kaninang mga 1.30pm. dapat 4pm pa kami magpapakuha.. pero napaaga ang schedule namin (sa isang 'di ko rin maintindihang dahilan) kaya nandun kami lahat sa ilalim ng matinding sikat ng araw. babad sa init at tumatagaktak ang pawis (pwera ako.. syempre, forever 'poised' daw ba, hehehe). mabuti na lang lahat kami ay nagdala ng 'shades' - kaya 'cool' kami tingnan kahit sobrang mainit, wahahaha. lakas din ng trip ng section namin - nagkurbata pa talaga silang lahat. pero hindi ako nagdala ng necktie. sukdulan na 'yon.. hehe. may hangganan naman ang pakikisama ko 'no.. ;-)
wala naman talagang espesyal na nangyari ngayon.. pero sobrang iba lang talaga ang pakiramdam ko. masaya na makulit na parang naaasar na gustong magtaray na naiinip na natutuwa na hindi talaga mawari kung ano na ba ang nangyayari. bwahahahahaha. one word: SURREAL Ü maulit pa kaya ang ganitong araw? hmm. sana oo. sana hindi Ü
Thursday, January 12, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment