Tuesday, May 30, 2006

longing

Awit ng Paghahangad
based on Psalm 63
Lyrics and Music by Charlie Cenzon, SJ

O D’yos Ikaw and laging hanap
Loob ko’y Ikaw ang tanging hangad
Nauuhaw akong parang tigang na lupa
Sa tubig ng ‘Yong pag-aaruga.

Ika’y pagmamasdan sa dakong banal
Nang makita ko ang ‘Yong pagkarangal
Dadalangin akong nakataas aking kamay
Magagalak na aawit ng papuring iaalay.

Refrain:
Gunita ko’y ikaw habang nahihimlay
Pagka’t ang tulong Mo sa t’wina’y taglay.
Sa lilim ng Iyong mga pakpak,
Umaawit akong buong galak.
Aking kaluluwa’y kumakapit sa ‘Yo
Kaligtasa’y t’yak kung hawak Mo ako
Magdiriwang ang Hari, ang D’yos S’yang dahilan
Ang sa Iyo ay nangako galak yaong makakamtan.

Gunita ko’y ikaw habang nahihimlay
Pagka’t ang tulong Mo sa t’wina’y taglay
Sa lilim ng Iyong mga pakpak,
Umaawit, umaawit, umaawit akong buong galak..

* * *

this was one of the songs we practised tonight for the pentecost celebration. it's actually a favorite of mine. i love the words and the melody. it talks about longing.. and waiting. hmm. yeah, i would know about that. definitely.

anyway, not much to post today.. hence, i'm back to songposts. i'm wishing for rain again.. *sigh*

No comments: