hay. alas tres pa lang ng hapon at sobrang pagod na pagod na ako. gusto ko nang humiga na lang sa kama at matulog nang mahimbing. naubos na 'ata lahat ng enerhiya ko sa kaaalala at kaaatupag ng tinginingining late grades na 'yan. grrr.
kakaiba ang araw na 'to. ewan ko nga ba kung bakit. sa totoo lang, hindi ako handang gumawa ng kahit ano. wala sa mood eh. pati nga matematika parang di ko magawang kagiliwan ngayon (hmm.. ganito ba ang nararamdaman ng mga kawawang estudyante ko? haha). nakakatamad na nakakalungkot na nakakaiyak na di ko mawari kung ano. pero siyempre, kapag nasa paaralan, project pa rin hahaha. tsk tsk. sadyang ganito ata talaga ang buhay.
hindi ako dapat uuwi ngayon. ay teka.. mali. hindi ako dapat uuwi ngayong hapon. may klase pa ako sa eduk mamayang 5.30pm (graduate class ko) at ang unang plano ko, dun lang ako sa upis hanggang alas singko para mag-check ng mga papel at tumambay. kaso hindi ko na matagalan ang init. at soooooobrang inaantok ako. isa pa, ang sakit-sakit ng tiyan/puson ko. letch. kaya eto. change of plans. napauwi ako nang 'di oras. at ngayon naman ay tinatamad na akong bumalik pa sa UP. hayyyy.
siyempre pag-uwi, check agad ng email. at itong larawang ito ang bumulaga sa 'kin (salamat, soulmate.. pinangiti mo nanaman ako haha!). natuwa lang ako at may mailalagay na naman ako ditong kakaibang picture. siguradong maaaliw na naman ang mga alaga kong nasaeans bwahaha.
nabanggit na rin ang mga nakakaaliw na bagay. may kinakaaliwan akong kotse ngayon. nagbabalak kasi akong bumili ng kotse. hindi dahil sa luho, porma o sa anupaman.. kundi sa mukhang kailangan ko na talaga (unti-unti nang nakakalas si dea, hu hu hu). at syempre, ang trip ko, ung auto na maliit (tulad ko haha). ang mga minamataan kong sasakyan? 1) suzuki alto; 2) hyundai getz; 3) kia picanto; 4) chevrolet (?) spark :p nangangarap na naman ako.. wahahaha.. :)
hay buhay. parang ang sarap maging escape key na lang. sana ako rin puwedeng tumakas. sana lang talaga.. *malalim na buntung-hininga*
No comments:
Post a Comment