nais liparin
ng aking hiraya
ang daigdig na
habambuhay mag-iisa
nais hagkan
ng aking mga labi
ang pait na
kailanma’y di mapapawi
nais yakapin
ng aking dibdib
ang kalungkutang
di na mawawalay
nais matunton
ng aking diwa
ang sikhayong
lubos na mapagdurusa
nais maramdaman
ng aking puso
ang lahat ng sakit
gayon upang matapos na
ang paghinga
ang paglaban
ang pagsubok
ang pagmamahal
ang kawalang-katiyakan
upang masimulan
sa wakas
ang pagbuhay…
* * *
hehe. sounds depressing.. but i like it. i'm not sad right now. in fact, i'm quite happy. but still, stuff like this appeals to me. go figure. maybe sam can shed some light on this. (hey, i know you read my blog, ok?! you'd better drop me a note on my cbox.. or write a comment here. my blog is "lonely" for lack of input hehehe)
No comments:
Post a Comment